mahirap kapag wala ka nga talagang mapagsabihan. o kaya naman kapag yung pwedeng mapagsabihan ay nasa malayo. sensitibong bagay ang problema ng bawat tao. marami ngang nagpapakamatay sa ganyan. sa ngayon, nandoon ako sa lagay na iyon. ayoko munang gambalain yung ibang tao. dito muna ako magsasalita. hindi para sa kanila, hindi para sayong nagbabasa nito, kundi para sa sarili ko. ngayon lang, hayaan nyo muna akong isipin ang sarili ko. atupagin ang pagpapagaan ng loob ko, wala kayong pakialam kahit pa magmura ako. pero hindi ko naman yun gagawin.
sinabi sakin ni Angelique Minorka kahapon yung sabi ni Valerie Javarez na: ang tunay na magkakaibigan, hindi yung magkakasama lang sa saya, sa mga pagkakataong may nananalo o kaya naman yung tinatawag na 'bonding time'. dapat rin nating isipin na bilang isang grupo, magkakaramay tayo sa problema ng isa. walang sarilinlan, para maliwanag lahat.--saka ko lang naimulat yung mata ko, tama sya. bakit ko nga ba naman pagsisiksikan yung sarili ko sa taong nasa malayo, sa mga taong walang pakialam, sa mga taong hindi nakakaintindi, kung meron namang iba pa dyan, handang makinig, umalalay, dumamay. papangalanan ko sya ha. VALERIE JAVAREZ. hindi ko sya very close friend, hindi ko sya bestfriend. nagkakaintindihan lang kami sa isang bagay. SKIN ASTHMA. pero sya yung isa sa mga taong nagsabi sa akin na hindi ako nag-iisa, andyan naman daw sila. mga bagay na bilang palang ang nakakapagsabi sakin. pangalanan ko sila ulit. DANNAH PILPIL, KARINA BUNDAC, KATE BUÑI, GIQ VALONES, LIOS AMARILLE, DARLENE POBLADOR, MERYLL NAVARRO, VALERIE JAVAREZ at DANIEL VALLEJO. pinangalanan ko na dahil gusto ko silang kilalanin, palakpakan, saluduhan, at pasalamatan. gusto kong gawing malinaw kung sino ang sino at wala nang iba.
nung una, mahirap at nahirapan akong intindihin ng lahat, pero hindi ako iniwan nina Dana, Nanay, at Ate Da. ngayon, naintindihan na rin ako ng mas marami. isama ko na si Nork.
hindi ako natatakot magsalita dahil takot akong mapahiya, hindi lang ako nagsasalita dahil pagod na akong nanghihinayang sa bawat oras, hirap at pagkakataong napupunta lang din sa wala. at kung sakaling hindi ako natuto at naglaan pa rin ako ng oras at pagod para sa isang bagay o para sayo, kahit na alam kong malabong maintindihan ako, yun ay dahil sa mas nakakapanghinayang ang kung anumang nagbubuklod sa ating dalawa kung sakaling mawala ito. bobo na nga ako, kasi nanghinayang pa ako, eh wala na rin naman pala akong kakapitan dahil matagal nang bumitiw yung nasa kabila ng tulay.
ayokong sabihing tama ako dahil alam kong SOBRANG MALI AKO. pero hindi ako nagsisisi. uulitin ko, hindi ako nagsisisi. alam kong wala akong dapat pagsisihan. may mga bagay lang na sadyang nariyan at dumarating upang mawala, umapaw at masayang.
kung may isang bagay man akong dapat na ihingi ng patawad, yun ay yung naging masyadong makitid ang utak ko. naging padalus-dalos ako at naging tanga ako. tanga sa puntong nakalimot na ako sa kung ano ang nararapat sa hindi.
mali ang sumuko pero mas mali ang patuloy na tumayo habang yung ibang tao ay sarap na sarap nang nakaupo. mali ang umiwas, pero mas mali ang sumingit sa gitna ng dalawang taong nag uusap, walang espasyo sa gitna na nakalaan para sayo. uulitin ko nanaman, tanga ang makisiksik.
mapait ang bawat oras na naaalala ko yung mga yun, pero naiintindihan kong mas mapait sa panig ninyo kaya nyo nasabi yun. wala na akong magagawa pa. isa lang naman ang totoo. na kung anumang mga bagay yung nagmula sakin. yung MISMONG nagmula sakin at hindi nanggaling sa kwento ng ibang tao, tama, totoo at seryoso ako sa pagsabi ng mga iyon. nanggagalaiti ako hindi dahil sa inyo, kundi dahil sa nangyayari sa inyo.
huwag nga raw magbitiw ng mga salitang kakainin mo rin kalaunan. hindi ko nga malunok lahat ng nasabi ko e. pero ako, sa sarili ko, alam kong alam na ninyo lahat ng ito, at naamin ko na rin naman. wala na akong dapat pang sabihin o aminin, naging matapat na ako sa inyo sa pagsasaalang-alang sa maaaring maging imahe ko pagtapos kong aminin ang lahat.
marami akong natutunan mula kay Dana, sa pag-aakalang ako ang dapat na lumuhod, malungkot, magmukmok, magsisi, namulat ako sa katotohanang hindi lahat ng bagay ay dapat tugunan ng mga iyan. batok lang nga ang katapat para maisip kong minsan, kapag nagkakaroon ako ng kasalanan, kahit pa kasalanan pa rin iyon, may mga dahilang dapat tignan na unti-unti namang nagbibigay sagot sa tunay na nais mo.
wala akong pakialam kung magagalit, matutuwa, malulungkot o kung ano pa man ang mararamdaman ng iba tao matapos mabasa itong naisulat ko, ang mahalaga sa ngayon ay gumagaan yung loob ko, palagi nalang akong gumagawa ng bagay para sa iba, oras naman para sa sarili ko. palagi nalang akong gumagawa at nangunguna para sa ikakaayos ng bawat problema, at patuloy na naiiwan na para bang ako yung dapat na mailibing kasi ako ang tunay na masama. pagod na ang isang BOBONG katulad ko na maging BOBO. ito lang ang masasabi ko:
yung taong laging sinasabihang nakikisawsaw sa mga problema ay yung taong nakiusap at nanguna na ayusin ang isang bagay. pero palagi nalang naiiwan at hindi na nakakasabay.
ayokong akuin ang kahit na anong pagkilala at palakpak mula sa inyo. hindi ko yun kailangan. at kung sakaling dumating ang oras na kinakailangan nang mag-usap. hindi ninyo na ako maaasahan pang magsimula. isumbat na sakin lahat ng maaari ninyong isumbat.. ayos lang. basta siguraduhin nyo lang hindi kayo mabablangko.
salamat.