Sunday, April 3, 2011

DEAR JIO,

hala ka! nabasa mo pala.. alam mo bang nagulat ako??

BAKIT MO BINASA? kainis ka! (joke!)
nung nabasa ko yung sinulat mo alam mo bang napagulong ako sa kama hanggang sa lumagabog ako sa sahig?? sa sobrang hiya! naiyak pa ako.. nahihiya talaga ako sayo!! kainis! bakit mo binasa?!?!? (paulit-ulit?)
hindi mo naman ako finafollow aa. paano mo nabasa?? nireblog ni dana o ni tatakit? HUMANDA YUNG MGA IYON! baka naman inisip mo nung na walang hiya ako kasi ganun.. baka isinumpa mo na ako.. hahah! JOKE lang talaga yun.. sos!

eee!! bakit mo kasi binasa!?!? pero salamat kasi sinabi mo sakin.. pero nahihiya talaga ako.. pero hindi ako galit., nahihiya lang talaga.. eeeeeee!!!

hindi ako maka move on.. ober! sabihin mo raw sakin yung naging reaksyon mo nung mabasa mo yon? required kang sabihin aa.. sa FB, imessage mo sakin :))

at AS IF naman mababasa mo ito? asa ka lois! bwahaha! pero pagnabasa mo, alam mo nang gagawin ha.

bakit nun mo lang nalaman na kras kita? since 2nd year pa kaya.. haha! natawa ako..


tsaka salamat sa compliment mo ha, NABASA MO TALAGA YUNG ISA KONG STORY??? O? alin? tungkol san? sabihin mo rin sa message mo aa. pati kung paano mo nabasa.. nacucurious ako, pero astig, akalain mong nakabasa ka pala? salamat!

PS: subukan mong hindi magmessage after itong mabasa, babagabagin ka ng konsensya mo, mumultuhin kita sa panaginip mo, magpapakita si sadako sa screen ng notebook mo, hahuntingin ka ni Emily Rose, susundan ka hanggang sa Ateneo.. :))

Tuesday, March 29, 2011

paBLOG.

ayos! nagfarewell party kami.. andaming challenges yung pinagdaanan namin..

ALAM NYO BANG:

  • nagkaroon ng issue sa venue dahil nagkaroon ng clone ang IV-Rizal??
  • muntikan kaming pabayarin ng Php100 per hour para sa charge ng mga gadgets. per gadget?
  • ang worst, HINDI UMABOT SA KALAHATI NG BILANG NG GRUPO ANG UMATTEND?
GET TOGETHER! nakanaman! sa lahat ng get together, ito yung talagang nagget together kami..(sarcastic)
pero masaya pa rin naman kami. Pero ulit, may kulang syempre... nakakalungkot. nakakatampo, nakakapanghinayang. 

eh ano pa nga bang magagawa ako? tapos na e! 

ANG TOTOO:
  • mahal ko pa rin yang mga taong yan kahit na minsan nakakainis sila
  • naiintindihan ko sila kung bakit ayaw nilang umattend, pero wala sa lugar yung rason.
  • sila naman laging nagpapasaya sa araw ko sa school. swear! ang boring sa bahay kaya!
  • sila yung nag eencourage sakin sa isang bagay.
  • MAHAL KO SILA.
kanina pa, nagkaroon ng recollection slash rants slash revelation slash whatever portion. innanounce ko itong napakaganda at napakamakasalanan kong blog. tapos nag back read ako ng mga naisulat ko for the past days and months. nahiya ako. nafeel ko kasi yung same feeling ko noon habang sinusulat ko yung mga RANTS na yun. pero swear! wala na yung hatred or whatever feeling na yun. 

in two wonderful and super occupied days, graduate na ako ng HS!!!! wala akong masabi.. nalulungkot ako. mamimiss ko kasi yung mga taong naging part ng apat na taon ko bilang hayskul sa palawan high. pero excited akong magcollege. KUNG MAGKACOLLEGE AKO. haha!

to who ever you are who's reading this now. alam kong kaklase kita, at rizal ka, don't forget to PM me. sabihin mo lahat ng comments mo, rants, at hinanakit mo sakin matapos mo itong mabasa. SWEAR ulit, ayokong magkaroon ng bisita sa blog ko na may galit sakin.. sa FB pwede nyo akong malocate.. 

LOVE,
ELOISE.

Saturday, March 26, 2011

katatawanang hindi dapat pagmalabisan..

ang lalim ng title ito lang naman ang ilalagay ko..

PS: wag seryosohin
kasi pows, ako yung gumagawa ng aming year book.. hindi naman masamang magpantasya.. isa pa, hindi nya naman binibisita ang aking blog.. asa!

hahahaha!! joke lang yan. baka mamaya sabihin mo obsess ako.. asa! joke lang talaga yan ha..

Monday, March 21, 2011

Once upon a time, I fell in love with my bestfriend.

[From his perspective..]
Talking to her became part of my Daily Routine. Every morning, her voice was the first thing I heard. She would call the moment she woke up, and no matter how exhausted I was, how early it was, it didn’t stop me from smiling and saying good morning.Then at Nine o’clock EXACTLY, she would call and we would talk until she fell asleep. And I would stay on and listen to her, she talks in her sleep sometimes. How much I wished I could be there and kiss her. She would never know.
She is the most beautiful thing my eyes ever set on. She never wore make up, and That’s how I liked it. She always smiled, at the tiniest things. Anything really, and her laugh? Oh man her laugh. She hated it, but she could never stop. And no matter how crappy my day was, when I heard her laugh, my heart  would soar.
Then there were the days, when I thought she would stop smiling. When I thought she would never stop crying. Man.. Have you ever felt so helpless in your entire life? And it hurts, that we live far away, and I can’t be there to hold her... And I KNOW I could keep her smiling. I would never hurt her. Because I love her... The kind of love that did not need any reminder. It would be a subconscious thing to know that I, with all my heart, Loved her. 
And then the next days she would be okay. Like nothing happened. I’ve always admired how strong she was. No matter how much she was dying inside, she never changed. It just became a bit harder for her to smile..but she got through it.
I thought we were falling mutually in love, but my better mind knew it wasn’t true. It was just a fact, that all I was to her was her bestfriend. Nothing more. But there were those days That I would believe otherwise. and It gave me hope, but being realistic, she did not love back. I know she had mixed feelings, and I know it be easier to drop these feelings. But I had to keep trying..
And then one day. We had a big fight. I don’t understand what was happening, but we were both angry and yelling. I said things I regret in the past and present.. But this fight, was my biggest regret. She was crying now, and said the words that broke my heart, I am not your girlfriend. And I am sure I will never be! But I am your bestfriend, and thats what I’ll always be. Damn. It hurt so much. She hung up and said we needed space until I realized we are only friends. Until I let go.. but I love her so much.. It’s been about two months now, and we haven’t said a word to each other. I miss her so much. And I can’t decide what hurts more: Loving her and watching her get hurt, or Loving her and not knowing how she is/end.
Dear bestfriend: I love you, and I wish I could love you back the right way.
but honestly, we will can never anything more than friends. 
RELEVANT.

Tuesday, March 15, 2011

hahahahahah!!!

dapat ko raw itong itago sabi ng aking tatakit (Kate Buñi) OWKEY FINE!!

maraming nakakita na nito, tapos inasar ako at tanong kung sino ba raw sya.. LOL!! haha!!
nakakatuwa o, ang sarap mang asarrrr!! GELO! yeah! GELO- white fat chinked-eyed nerd with eye glasses. rock!!

swear hindi ko ang gumawa nyan!! binantaan lang ako ni tatakit na magagalit sya pagwinala ko.. promise!!
ito ebidensya:

from: tatakit.. 

pasensya, super low resolution ang aking mga pictures.. =D

TATTOO!!

haha. dahil akala kong magpapaglamour kami ngayon, hindi ako nagpalagay ng tattoo sa kamay.. naisipan ko, sa braso nalang.. and there you go. it's a heart!!! tattoo credits to Dannah Pilpil.. :D

hahahaha!! so ayan. report ko lang. wahahah! malapit na matapos ang lahat ng dapat tapusin!! and yeah! breathe! hahah!!

photos by me
credits to dana again for the tattoo!!

so I felt like sharing lang naman.. made on one heck of a day in the ending month of my highschool life.. much tears!!

Wednesday, March 9, 2011

one heck of a test!

haha! i am really laughing right now considering the fact that i have to go back to school by 2pm and it's already 15 minutes before. but the real concern of this boredom blog is my FINAL GRADE in CALCULUS. oh men! i told you before i am not really good in math. well, numbers dont love me.. =(

to cut this stupid rants in short, my score on our last periodical test is 20!! sounds good but please men! that's all i've got out of 35 items.. life sucks! especially in calculus. now i have to deal with any grade that will not be higher than EIGHTY NINE!! 89? 89? that's the highest grade you can get? oh men! kill yourself. screw bad vibes.. i have to get well really soon! smile.. come here!

i really can't make a longer speech right now. i still have stuff to do. going back there now. BTW.. let me shre this cute gif i found on tumblr.. just click..
http://28.media.tumblr.com/tumblr_lgwojrdO2W1qafgk9o1_500.gif

Tuesday, March 8, 2011

huling klase bilang hayskul..

ito nanaman ako at magsusulat. haha! hayaan nyo nalang, nitong mga nakaraang araw kasi eh wala ako sa mood. ngayon ko lang napagtanto na nasosobrahan na ang masamang aura na bumabalot sa katawan ko. mamimigay naman ako ngayon ng ginintuang good vibes. magdadrama ako..

una sa lahat, gusto kong ipaalam sa inyo kung gaano kaswerte, hindi kayo dahil sa nagbibigay ako ng espasyo sa aking blog para sa inyo, kundi ako dahil may mga taong parte ng buhay ko na karapat-dapat paglaanan ng espasyong meron ako.

IV-RIZAL!(tonong ma'am alvoir,joke lang mam!)

marami akong natutunan, napagdaanan at napag-isipan sa loob ng higit apat na taong kasama ko kayo. mga bagay na siguradong mababaon ko kahit pa isa na akong sikat at MATANGAKAD na master chef at business woman. pati nga yang pangarap na iyan ay nabuo ko kasama kayo. pangarap na nanatiling kongkreto dahil na rin sa pagsuporta ng ilan sa inyo.. (yung iba kasi sabi mag artista raw ako). Masarap nga tumawa kasama kayo(oo nalasahan ko!) ang sarap din ng pakiramdam na lahat ng mga mata ninyo ay nakatingin sa kagandahan ko tuwing hinihiling kong pansinin ninyo ako at pakinggan ang sasabihin ko. sa inyo ko lang naramdaman ang napakahigpit na pagyapos sa lahat ng oras. kabilang na dun yung suporta sa mga pinagdaraanan ko masaya man o nakamamatay.

nakakatuwa rin naman na sa tuwing mayroon kayong problema, lumalapit kayo sakin at pinagkakatiwalaan ninyo akong bahaginan ng mga sikreto, problema at pati na rin yung mga sarili nyong tagumapay. kaya naman hindi nakapagtatakang ganun din ako sa inyo--sana.. hindi ako perpekto pero naiparamdam ninyo sakin na hindi ko kinakailangan sapagkat pinunan ninyo ang bawat pagkukulang ko. kunsintidor na nga kayo sa mga pagkakamali ko minsan at nais kong malaman ninyo na higit akong natutuwa tuwing mayroong isang taong lumalapit sakin at nagsasabing may muta, kulangot at kung ano pang unwanted creatures sa aking mukha(not literally though) dahil dun ko lamang nalalaman na kahit pa gaano kapula maging ng mukha ko sa hiya sa harap ng ibang tao, kayong aking mga tunay na kaibigan lamang ang kayang maging ganoon katapat, kahit pa 'it hurts you know'..

naaalala ko pa nung nalock-an tayo ng pinto kasi maingay tayo, sa halip na mainis, natuwa pa tayo dahil sama-sama at sabay sabay tayong kakain ng tanghalian. kakaiba nga ang mga hilig natin, mga trip na tayo lang din naman ang nakakaintindi at nakakaout of place sa iba.

habang nagsusulat ako ngayon, nahihirapan na akong magtagalog kaya kita nyo namang marami nang nakasingit na ingles. haha!

patuloy kong aalalahanin yung mga panahong nagtatagu-taguan tayo  ng mga papel dahil ayaw nating mamigay at kung paano tayo mambola para lang bigyan. kung paano natin dumugin ang isang meron at iiwang buto't balat nalang yung bagong bili nyang papel. hehe! kung paano tayo makipaghatian sa mga kaklase natin kapag 1/4 lang ang kailangan. kung paano tayo natrain na maging keen observer sa oras ng kagipitan at malapit nang banggitin ng titser ang number 1.kanina nakakatuwa, kasi naman nagbigayan na, una nga yan sa kasaysayan ng pilipinas. minsan na rin lang kaya sinulit na ng iilan. huli na rin naman kaya ipamigay na, bakit sa college ba may mga ganyan pa? hehe. ewan?

ayokong magthank you at magsorry. sos! gasgas na yan! alam nyo na rin namang iyan ang ibigsabihin nitong kadramahang ito. pero hindi nyo alam na gusto kong sabihing mahal na mahal ko kaya rizal at crush ko si kent.na mamimiss ko kayo at sana walang magbabago kahit pa tumangkad na ako. pero hindi ko parin sasabihin yan sa inyo. mataas ang pride ko.

marami pa tayong oras. dalawang linggo. galingan nating magmemorize ng grad song at sana ay wag kayong magmake up ng makapal sa grad para hindi kayo magmukhang zombie(sa girls--parang hindi ako girl no?)

mahirap tanggapin ang katotohanan lalo pa na papalapit na talaga yung GRADUATION. mas masarap yung maging harsh kesa madamay sa kalupitan ng iba.. kanya-kanyang hatak ng toga at tapon ng diploma, kanya-kanyang patak ng luha at awit ng saya.. pero may isang bagay tayong patuloy nagagawin ng sabay-sabay..


ang mangarap!!

PNS ANIMO RIZAL!! o yeah!

here and then,
1-11-15-16-15-19-9-25-19

Saturday, March 5, 2011

BOBO AKO

mahirap kapag wala ka nga talagang mapagsabihan. o kaya naman kapag yung pwedeng mapagsabihan ay nasa malayo. sensitibong bagay ang problema ng bawat tao. marami ngang nagpapakamatay sa ganyan. sa ngayon, nandoon ako sa lagay na iyon. ayoko munang gambalain yung ibang tao. dito muna ako magsasalita. hindi para sa kanila, hindi para sayong nagbabasa nito, kundi para sa sarili ko. ngayon lang, hayaan nyo muna akong isipin ang sarili ko. atupagin ang pagpapagaan ng loob ko, wala kayong pakialam kahit pa magmura ako. pero hindi ko naman yun gagawin.

sinabi sakin ni Angelique Minorka kahapon yung sabi ni Valerie Javarez na: ang tunay na magkakaibigan, hindi yung magkakasama lang sa saya, sa mga pagkakataong may nananalo o kaya naman yung tinatawag na 'bonding time'. dapat rin nating isipin na bilang isang grupo, magkakaramay tayo sa problema ng isa. walang sarilinlan, para maliwanag lahat.--saka ko lang naimulat yung mata ko, tama sya. bakit ko nga ba naman pagsisiksikan yung sarili ko sa taong nasa malayo, sa mga taong walang pakialam, sa mga taong hindi nakakaintindi, kung meron namang iba pa dyan, handang makinig, umalalay, dumamay. papangalanan ko sya ha. VALERIE JAVAREZ. hindi ko sya very close friend, hindi ko sya bestfriend. nagkakaintindihan lang kami sa isang bagay. SKIN ASTHMA. pero sya yung isa sa mga taong nagsabi sa akin na hindi ako nag-iisa, andyan naman daw sila. mga bagay na bilang palang ang nakakapagsabi sakin. pangalanan ko sila ulit. DANNAH PILPIL, KARINA BUNDAC, KATE BUÑI, GIQ VALONES, LIOS AMARILLE, DARLENE POBLADOR, MERYLL NAVARRO, VALERIE JAVAREZ at DANIEL VALLEJO. pinangalanan ko na dahil gusto ko silang kilalanin, palakpakan, saluduhan, at pasalamatan. gusto kong gawing malinaw kung sino ang sino at wala nang iba.

nung una, mahirap at nahirapan akong intindihin ng lahat, pero hindi ako iniwan nina Dana, Nanay, at Ate Da. ngayon, naintindihan na rin ako ng mas marami. isama ko na si Nork.

hindi ako natatakot magsalita dahil takot akong mapahiya, hindi lang ako nagsasalita dahil pagod na akong nanghihinayang sa bawat oras, hirap at pagkakataong napupunta lang din sa wala. at kung sakaling hindi ako natuto at naglaan pa rin ako ng oras at pagod para sa isang bagay o para sayo, kahit na alam kong malabong maintindihan ako, yun ay dahil sa mas nakakapanghinayang ang kung anumang nagbubuklod sa ating dalawa kung sakaling mawala ito. bobo na nga ako, kasi nanghinayang pa ako, eh wala na rin naman pala akong kakapitan dahil matagal nang bumitiw yung nasa kabila ng tulay.

ayokong sabihing tama ako dahil alam kong SOBRANG MALI AKO. pero hindi ako nagsisisi. uulitin ko, hindi ako nagsisisi. alam kong wala akong dapat pagsisihan. may mga bagay lang na sadyang nariyan at dumarating upang mawala, umapaw at masayang.

kung may isang bagay man akong dapat na ihingi ng patawad, yun ay yung naging masyadong makitid ang utak ko. naging padalus-dalos ako at naging tanga ako. tanga sa puntong nakalimot na ako sa kung ano ang nararapat sa hindi.

mali ang sumuko pero mas mali ang patuloy na tumayo habang yung ibang tao ay sarap na sarap nang nakaupo. mali ang umiwas, pero mas mali ang sumingit sa gitna ng dalawang taong nag uusap, walang espasyo sa gitna na nakalaan para sayo. uulitin ko nanaman, tanga ang makisiksik.

mapait ang bawat oras na naaalala ko yung mga yun, pero naiintindihan kong mas mapait sa panig ninyo kaya nyo nasabi yun. wala na akong magagawa pa. isa lang naman ang totoo. na kung anumang mga bagay yung nagmula sakin. yung MISMONG nagmula sakin at hindi nanggaling sa kwento ng ibang tao, tama, totoo at seryoso ako sa pagsabi ng mga iyon. nanggagalaiti ako hindi dahil sa inyo, kundi dahil sa nangyayari sa inyo. 

huwag nga raw magbitiw ng mga salitang kakainin mo rin kalaunan. hindi ko nga malunok lahat ng nasabi ko e. pero ako, sa sarili ko, alam kong alam na ninyo lahat ng ito, at naamin ko na rin naman. wala na akong dapat pang sabihin o aminin, naging matapat na ako sa inyo sa pagsasaalang-alang sa maaaring maging imahe ko pagtapos kong aminin ang lahat.

marami akong natutunan mula kay Dana, sa pag-aakalang ako ang dapat na lumuhod, malungkot, magmukmok, magsisi, namulat ako sa katotohanang hindi lahat ng bagay ay dapat tugunan ng mga iyan. batok lang nga ang katapat para maisip kong minsan, kapag nagkakaroon ako ng kasalanan, kahit pa kasalanan pa rin iyon, may mga dahilang dapat tignan na unti-unti namang nagbibigay sagot sa tunay na nais mo. 

wala akong pakialam kung magagalit, matutuwa, malulungkot o kung ano pa man ang mararamdaman ng iba tao matapos mabasa itong naisulat ko, ang mahalaga sa ngayon ay gumagaan yung loob ko, palagi nalang akong gumagawa ng bagay para sa iba, oras naman para sa sarili ko. palagi nalang akong gumagawa at nangunguna para sa ikakaayos ng bawat problema, at patuloy na naiiwan na para bang ako yung dapat na mailibing kasi ako ang tunay na masama. pagod na ang isang BOBONG katulad ko na maging BOBO. ito lang ang masasabi ko:

yung taong laging sinasabihang nakikisawsaw sa mga problema ay yung taong nakiusap at nanguna na ayusin ang isang bagay. pero palagi nalang naiiwan at hindi na nakakasabay. 

ayokong akuin ang kahit na anong pagkilala at palakpak mula sa inyo. hindi ko yun kailangan. at kung sakaling  dumating ang oras na kinakailangan nang mag-usap. hindi ninyo na ako maaasahan pang magsimula. isumbat na sakin lahat ng maaari ninyong isumbat.. ayos lang. basta siguraduhin nyo lang hindi kayo mabablangko.

salamat.

Friday, March 4, 2011

anong title nito?

hindi ako nagbibilang ng kung anuman kasi hindi ako magaling sa math at hindi iyon ang hilig ko. may mga pagkakataong nagbubuntong hininga lang ako kasi ayoko ng gulo. pero minsan kailangan ring ilabas kasi naman hindi ako perpekto, hindi ako kongretong hindi nababasa kapag umuulan. tulad ng iba, tao lang ako, nagkakamali, nasasaktan, naguguluhan, nagkakaroon ng kasalanan, nagsisisi.

sa loob ng maraming buwan, aminado naman akong ang sama ko talaga. hindi ko yun itatanggi kasi ako lang din naman ang lumoloko sa sarili ko, ako lang din yung babagabagin ng konsensya ko kung sakali, ayoko ring itago yung kung anuman yung nakikita ko kasi may mata ako, parte ng buhay ang magsalita at parte ng buhay ang husgahan. alam ko kasi naranasan ko nang husgahan ng minsan, isang pagkakataong hindi ko ginusto pero nangyari. bangungot na ayaw akong tantanan. pero kahit ganoon, ginagawa ko pa rin sa iba--vain nga ako.

isip bata ako at gustong gusto ko lang maglaro, mahilig akong sumubok ng mga bagong bagay kahit na hindi ko naman talaga kaya. pero hindi yun rason para maging inosente ako sa lahat ng bagay na maaaring pagdaanan ng isang tao. marunong akong umunawa dahil natutunan kong unawain. at naniniwala akong ang problema ko ay hindi na dapat pang problemahin ng ibang tao. mahal ko ang mga kaibigan ko, ayokong dumagdag sa kung anumang kulubot sa noo nila. 

hindi ko kailangang ipagsigawang malungkot ako, may problema ako, at gusto ko nang magpakamatay. hindi ko kailangan kasi hindi yun ang dapat. at kung sakaling may makakaalam man, hindi yun dahil sa sinabi ko kundi dahil yun sa nahalata nya. kasi nga kilala nya ako. hindi ko kinakailangang isigaw sa aso ko na ako ang amo nya, dahil sa amoy palang kilala na nya ako at kumakawag na ang buntot nya..

hindi sa hindi ako nakakaintindi sa maraming bagay, tinitignan ko lang ang mas malawak na posibilidad sa kung anuman ang maaaring dahilan ng mga pangyayari. ayokong kumampi dahil sa kaibigan ko ang isang tao, kakampi ako dahil sya ang tama. tututol ako sa kung ano ang mali, hindi dahil sa hindi ko sila naiintindihan o may galit ako sa tao, kundi dahil sa gusto kong malaman nya at mamulat sya na mali ang ginagawa nya, maiintindihan nya lamang yun kung sya rin mismo ay ganun ang pananaw sa buhay. hindi lahat ng tumataliwas sa agod ay masama, dahil tulad ng bato, makakapitan mo ito sa oras na tatangayin ka na ng malakas na agos ng tubig sa ilog. 

may mas malawak pang kadahilanan ang bawat bagay na dapat nating isaalang alang, hindi para sa kapakanan ng sarili mo kundi minsan ay para na rin sa kapakanan ng ibang tao. mahirap magsalita ng tapos at magsalita tungkol sa isang bagay na hindi mo naman alam, mali ako sa bagay na yun. alam kong ganun ako hindi lang minsan kung hindi madalas. 

hindi na rin sapat para sakin ang paghingi ng patawad, marunong naman akong kumapa ng tamang oras para sa mga bagay na sensitibo at magulo, pero sana naman tignan muna natin ng maiigi ang tunay na punto ng bawat galaw ng isang tao para wala tayong pagsisihang isang bagay sa huli. hindi naman dapat umiiral ang salitang "PATAWAD" kasi wala naman talagang problemang iyan ang solusyon. kahit saang anggulo mo pa halungkatin. walang patutunguhan ang salitang yan. mahirap kasing hukayin yung tunay na ibigsabihin niyan, idagdag mo pa sa tunay na layunin ng taong nagsasabi.

tulad ngayon, tatapusin ko na ito kasi nasosobrahan na ako, at kung ikaw na makakabasa nito ay magagalit dahil natamaan ka, wala na akong magagawa kasi naramdaman mo na yan, pero isisingit ko pa rin naman para mas maayos..


PATAWAD.

Saturday, February 19, 2011

random lang, kahit ngayon lang..

hayaan nyo nang walang matinong title yung isusulat ko ngayon. magulo kasi sa earth, mahirap mag-isip, nakakapanuyo ng utak.

ewan ko kung may taong makakaintindi sa akin at sa mga sasabihin ko rito, pero libre namang magsalita sa blog mo kaya walang pwedeng pumigil sakin..

sa labing anim na taon kong nabubuhay sa mundo, sa puntong ito, masasabi ko na nasa critical angle ako. hindi dahil sa mamamatay na ako o kaya naman eh may malala akong karamdaman. dahil lang naman sa mga bagay na nangangailangan ng karampatang atensyon, desisyon at kasagutan.

unahin ko na yung COLLEGE ko. isang buwan na nung simulang malaman kong nakapasa ako sa pangarap kong university. kumbaga sa stories, nandun na ako sa climax. naachieve ko na yung tagumpay--yun ang akala ko. kasi mali naman pala ako.

ito palang pala kasi yung simula. alam mo ba yung pakiramdam nang gustong-gusto mong pag-usapan pero nakakaiyak kasi hindi mo makapa yung right time? yare tayo dyan, nandun ako ngayon eh! paano ka ba magdedesisyon kung sakaling hawak mo na yung dos na diamond sa larong pusoy dos pero at the same time eh may hawak ka ring mas mababang card na ititira mo, anong uunahin mo? yung ibaba na yung dos para tapos na yung laban o yung ibaba yung isa pang card para makatira pa yung iba?

sa lagay ko, gusto kong ibaba na yung dos, kasi naman isang tirahan nalang panalo na ko, bakit ko pa patatagalin? bakit ko pa pakakawalan yung isang bagay na alam kong hawak ko na? at matagal kong pinangarap?

ayaw ng mag magulang ko na mag-aral ako dun, financially incapable kasi kami. sakin naman, walang magcocollege nang hindi gumagastos. alam kong mali ang pag-iisip ko, pero andun na ako, alin ba ang mali kasi? ang pakawalan ang pagkakataon? o ang sundin ang ayaw mo?

mahirap magpakapraktikal kahit yun pa ang tama, kasi alam kong mas may tama pa kaysa dun. minsan nga hindi ba, kinakailangan nating tumalon sa bakod para makaranas ng mas mahirap na lebel at hindi tayo mapako sa napakadali at iisang posisyon at paraan lamang. iisa lang naman ang gusto ko eh, at ngayon nalang nga ako humiling, bakit hindi pa ba pwede?

sabi sa fortune cookie ko once: All the effort you are putting in will ultimately pay off.
hanep naman sa mga timing eh, ang naging comment ko? na sana kung ano man yung tinutukoy nyan eh yung mismo ring nasa isip ko, at syempre, sana ay totoo itong fortune chorva na ito..

second. FRIENDS.

mayaman daw ako sa ganyan, thank you sa mga nagsabi.. marami akong kaclose, siguro, marami akong nalalamang sikreto, siguro.. pero tulad ng ibang tao, mas masahol pa ako sa isang friend seeker, ako yung tipong friend digger.. hindi ako nang-aagaw ng kaibigan, naghuhukay ako ng mga magiging at ituturing akong kaibigan, andyan lang naman ang mga tao eh, sa tabi mo, kakwentuhan, katawanan.. pero iba yung totoo, pure, walang joke, walang sorry..

hindi tulad ng lahat, wala kong group na original na maituturing, walang buddy, wala.. pagwalang gustong kumausap sakin, walang isang tao o mga taong nasa tabi ko at kasa-kasama ko kahit pa magbabanyo ako.. yung tipong kapag darating sila eh sayo agad tatabi, pag-aalis sila, hahatakin ka na rin na sumabay umuwi. kapag absent ka eh ifaflood ka ng message o di kaya'y tatawagan dahil namimiss ka na, pag may sakit ka eh personal na dadalaw sa bahay ninyo para sabihing ang hina ng katawan mo na ang ibigsabihin lang naman eh magpagaling ka na.. na tipong kapatid mo na rin dahil sa dinalas mong nasa bahay nila o di kaya naman eh sila sa inyo..

wala akong ganyang kaibigan, walang samaan ng loob pero wala akong nafifeel na ganyan, oo naman, may mga totoong kaibigan sakin, pero yung kongkreto at yung ako ang kasama, wala po. aaminado ako, talo ako sa ganyang bagay...

personal na nga marahil yung mga sinasabi ko, pero anong malay natin, ito pala yung ikagagaan ng loob ko. mabigat lang talaga yung pakiramdam ko kaya siguro dito ko binubuhos, at kung sakaling umaapaw na, hayaan nyo nalang, minsan kasi hindi rin masyadong maganda yung nagtitipid tayo, may mga bagay na itinakda para maging sobra siguro....