Sunday, April 3, 2011

DEAR JIO,

hala ka! nabasa mo pala.. alam mo bang nagulat ako??

BAKIT MO BINASA? kainis ka! (joke!)
nung nabasa ko yung sinulat mo alam mo bang napagulong ako sa kama hanggang sa lumagabog ako sa sahig?? sa sobrang hiya! naiyak pa ako.. nahihiya talaga ako sayo!! kainis! bakit mo binasa?!?!? (paulit-ulit?)
hindi mo naman ako finafollow aa. paano mo nabasa?? nireblog ni dana o ni tatakit? HUMANDA YUNG MGA IYON! baka naman inisip mo nung na walang hiya ako kasi ganun.. baka isinumpa mo na ako.. hahah! JOKE lang talaga yun.. sos!

eee!! bakit mo kasi binasa!?!? pero salamat kasi sinabi mo sakin.. pero nahihiya talaga ako.. pero hindi ako galit., nahihiya lang talaga.. eeeeeee!!!

hindi ako maka move on.. ober! sabihin mo raw sakin yung naging reaksyon mo nung mabasa mo yon? required kang sabihin aa.. sa FB, imessage mo sakin :))

at AS IF naman mababasa mo ito? asa ka lois! bwahaha! pero pagnabasa mo, alam mo nang gagawin ha.

bakit nun mo lang nalaman na kras kita? since 2nd year pa kaya.. haha! natawa ako..


tsaka salamat sa compliment mo ha, NABASA MO TALAGA YUNG ISA KONG STORY??? O? alin? tungkol san? sabihin mo rin sa message mo aa. pati kung paano mo nabasa.. nacucurious ako, pero astig, akalain mong nakabasa ka pala? salamat!

PS: subukan mong hindi magmessage after itong mabasa, babagabagin ka ng konsensya mo, mumultuhin kita sa panaginip mo, magpapakita si sadako sa screen ng notebook mo, hahuntingin ka ni Emily Rose, susundan ka hanggang sa Ateneo.. :))

No comments:

Post a Comment