When we are getting pretty stupid making ourselves sad remembering those happy memories, is it necessary for us to let go of those? Even though those are also the happy moments that you’ve had?
Six.Nine.Ten
Mark that date.. hate.
Nakakatawa namang isipin na may ganito pala kay Eloise. Sus! Drama!
Ms. Yu, I’ve met her 4 months ago, sa dunkin donuts. 11 am. She’s kinda’ nice, pero gusto kong lumayo sa kanya, mixed emotions kasi lagi ang meron sya. Ang hirap intindihin, ang hirap kasama.
Eyebugs + wrinkles = Ms. Yu
Way way back, haha! Nakakabingi, paulit-ulit. Nakakainis! Para syang traffic lights, kahit saang sulok, andun. Parang anino, sunod ng sunod. Parang yung aso sa kapitbahay, ang ingay. Parang si tigger, yung pusa rito sa bahay, papansin.
Paggising ko tuwing umaga, wala nang “smile! Umagang-umaga!”
Pagpasok sa school, wala nang “uy! Ingat ha”
Kakain sa gabi, wala nang “diet? Yuck! Di bagay!”
Matutulog, wala na ring “pray girl”
Wala na ring flooded messages sa phone ko
Three missed calls pag-uwi ko
Libreng load kapag weekends
Matagal na rin bago malowbat ang CP ko
Zero mail receive sa YM.. blanko na rin yung chat box ko.
Wala nang nakakabulag na flashes ng camera
Panakot-dagang stolen shots ko.
Di na nawawala ang sapatos ko pag-aalis ako.
Wala na ring libreng softdrinks kapag tambay lang.
Libag na ulit yung gitara ko
Wala nang “jamming tayo” sa front door at balcony…
Boring na. pati yung “anong kanta?” nanahimik na..
Korning jokes? Laos na. hindi na rin lumelevel up yung lakas ng tawa ko.
Iisa nalang yung upuan sa labas ng bahay.
Nabubulok nalang yung mga mangga, santol at bayabas.
Singaw na yung bola ko ng basketball. Yung ring, may kalawang na, yung court, maputik.
Wala nang mabigat na brasong biglang babagsak sa balikat ko.
Malaking kamay na gugulo sa buhok ko.
Daliring pinipisil ang ilong ko.
Wala nang “apir nga dyan!”
Wala na ring “maligo ka na!”
Wala na ring "kaya mo yan!”
Wala nang “wrinkles daw!”
“ikaw pa!” kapag may naaachieve ako.
Wala na yung “fan ko”.
Yung sincere na mukha pag nagagalit ako o kaya may problema.
“okey lang yun” kapag nadisappoint ako
Smile na nakakadala lalo na pag wala ka sa mood.
Si Ms. Yu kasi dumating pa, yan tuloy, di ko namalayan na yung “uy ingat ka ha” eh pinakahuli na pala….
No comments:
Post a Comment