hayaan nyo nang walang matinong title yung isusulat ko ngayon. magulo kasi sa earth, mahirap mag-isip, nakakapanuyo ng utak.
ewan ko kung may taong makakaintindi sa akin at sa mga sasabihin ko rito, pero libre namang magsalita sa blog mo kaya walang pwedeng pumigil sakin..
sa labing anim na taon kong nabubuhay sa mundo, sa puntong ito, masasabi ko na nasa critical angle ako. hindi dahil sa mamamatay na ako o kaya naman eh may malala akong karamdaman. dahil lang naman sa mga bagay na nangangailangan ng karampatang atensyon, desisyon at kasagutan.
unahin ko na yung COLLEGE ko. isang buwan na nung simulang malaman kong nakapasa ako sa pangarap kong university. kumbaga sa stories, nandun na ako sa climax. naachieve ko na yung tagumpay--yun ang akala ko. kasi mali naman pala ako.
ito palang pala kasi yung simula. alam mo ba yung pakiramdam nang gustong-gusto mong pag-usapan pero nakakaiyak kasi hindi mo makapa yung right time? yare tayo dyan, nandun ako ngayon eh! paano ka ba magdedesisyon kung sakaling hawak mo na yung dos na diamond sa larong pusoy dos pero at the same time eh may hawak ka ring mas mababang card na ititira mo, anong uunahin mo? yung ibaba na yung dos para tapos na yung laban o yung ibaba yung isa pang card para makatira pa yung iba?
sa lagay ko, gusto kong ibaba na yung dos, kasi naman isang tirahan nalang panalo na ko, bakit ko pa patatagalin? bakit ko pa pakakawalan yung isang bagay na alam kong hawak ko na? at matagal kong pinangarap?
ayaw ng mag magulang ko na mag-aral ako dun, financially incapable kasi kami. sakin naman, walang magcocollege nang hindi gumagastos. alam kong mali ang pag-iisip ko, pero andun na ako, alin ba ang mali kasi? ang pakawalan ang pagkakataon? o ang sundin ang ayaw mo?
mahirap magpakapraktikal kahit yun pa ang tama, kasi alam kong mas may tama pa kaysa dun. minsan nga hindi ba, kinakailangan nating tumalon sa bakod para makaranas ng mas mahirap na lebel at hindi tayo mapako sa napakadali at iisang posisyon at paraan lamang. iisa lang naman ang gusto ko eh, at ngayon nalang nga ako humiling, bakit hindi pa ba pwede?
sabi sa fortune cookie ko once: All the effort you are putting in will ultimately pay off.
hanep naman sa mga timing eh, ang naging comment ko? na sana kung ano man yung tinutukoy nyan eh yung mismo ring nasa isip ko, at syempre, sana ay totoo itong fortune chorva na ito..
second. FRIENDS.
mayaman daw ako sa ganyan, thank you sa mga nagsabi.. marami akong kaclose, siguro, marami akong nalalamang sikreto, siguro.. pero tulad ng ibang tao, mas masahol pa ako sa isang friend seeker, ako yung tipong friend digger.. hindi ako nang-aagaw ng kaibigan, naghuhukay ako ng mga magiging at ituturing akong kaibigan, andyan lang naman ang mga tao eh, sa tabi mo, kakwentuhan, katawanan.. pero iba yung totoo, pure, walang joke, walang sorry..
hindi tulad ng lahat, wala kong group na original na maituturing, walang buddy, wala.. pagwalang gustong kumausap sakin, walang isang tao o mga taong nasa tabi ko at kasa-kasama ko kahit pa magbabanyo ako.. yung tipong kapag darating sila eh sayo agad tatabi, pag-aalis sila, hahatakin ka na rin na sumabay umuwi. kapag absent ka eh ifaflood ka ng message o di kaya'y tatawagan dahil namimiss ka na, pag may sakit ka eh personal na dadalaw sa bahay ninyo para sabihing ang hina ng katawan mo na ang ibigsabihin lang naman eh magpagaling ka na.. na tipong kapatid mo na rin dahil sa dinalas mong nasa bahay nila o di kaya naman eh sila sa inyo..
wala akong ganyang kaibigan, walang samaan ng loob pero wala akong nafifeel na ganyan, oo naman, may mga totoong kaibigan sakin, pero yung kongkreto at yung ako ang kasama, wala po. aaminado ako, talo ako sa ganyang bagay...
personal na nga marahil yung mga sinasabi ko, pero anong malay natin, ito pala yung ikagagaan ng loob ko. mabigat lang talaga yung pakiramdam ko kaya siguro dito ko binubuhos, at kung sakaling umaapaw na, hayaan nyo nalang, minsan kasi hindi rin masyadong maganda yung nagtitipid tayo, may mga bagay na itinakda para maging sobra siguro....
No comments:
Post a Comment