ito nanaman ako at magsusulat. haha! hayaan nyo nalang, nitong mga nakaraang araw kasi eh wala ako sa mood. ngayon ko lang napagtanto na nasosobrahan na ang masamang aura na bumabalot sa katawan ko. mamimigay naman ako ngayon ng ginintuang good vibes. magdadrama ako..
una sa lahat, gusto kong ipaalam sa inyo kung gaano kaswerte, hindi kayo dahil sa nagbibigay ako ng espasyo sa aking blog para sa inyo, kundi ako dahil may mga taong parte ng buhay ko na karapat-dapat paglaanan ng espasyong meron ako.
IV-RIZAL!(tonong ma'am alvoir,joke lang mam!)
marami akong natutunan, napagdaanan at napag-isipan sa loob ng higit apat na taong kasama ko kayo. mga bagay na siguradong mababaon ko kahit pa isa na akong sikat at MATANGAKAD na master chef at business woman. pati nga yang pangarap na iyan ay nabuo ko kasama kayo. pangarap na nanatiling kongkreto dahil na rin sa pagsuporta ng ilan sa inyo.. (yung iba kasi sabi mag artista raw ako). Masarap nga tumawa kasama kayo(oo nalasahan ko!) ang sarap din ng pakiramdam na lahat ng mga mata ninyo ay nakatingin sa kagandahan ko tuwing hinihiling kong pansinin ninyo ako at pakinggan ang sasabihin ko. sa inyo ko lang naramdaman ang napakahigpit na pagyapos sa lahat ng oras. kabilang na dun yung suporta sa mga pinagdaraanan ko masaya man o nakamamatay.
nakakatuwa rin naman na sa tuwing mayroon kayong problema, lumalapit kayo sakin at pinagkakatiwalaan ninyo akong bahaginan ng mga sikreto, problema at pati na rin yung mga sarili nyong tagumapay. kaya naman hindi nakapagtatakang ganun din ako sa inyo--sana.. hindi ako perpekto pero naiparamdam ninyo sakin na hindi ko kinakailangan sapagkat pinunan ninyo ang bawat pagkukulang ko. kunsintidor na nga kayo sa mga pagkakamali ko minsan at nais kong malaman ninyo na higit akong natutuwa tuwing mayroong isang taong lumalapit sakin at nagsasabing may muta, kulangot at kung ano pang unwanted creatures sa aking mukha(not literally though) dahil dun ko lamang nalalaman na kahit pa gaano kapula maging ng mukha ko sa hiya sa harap ng ibang tao, kayong aking mga tunay na kaibigan lamang ang kayang maging ganoon katapat, kahit pa 'it hurts you know'..
naaalala ko pa nung nalock-an tayo ng pinto kasi maingay tayo, sa halip na mainis, natuwa pa tayo dahil sama-sama at sabay sabay tayong kakain ng tanghalian. kakaiba nga ang mga hilig natin, mga trip na tayo lang din naman ang nakakaintindi at nakakaout of place sa iba.
habang nagsusulat ako ngayon, nahihirapan na akong magtagalog kaya kita nyo namang marami nang nakasingit na ingles. haha!
patuloy kong aalalahanin yung mga panahong nagtatagu-taguan tayo ng mga papel dahil ayaw nating mamigay at kung paano tayo mambola para lang bigyan. kung paano natin dumugin ang isang meron at iiwang buto't balat nalang yung bagong bili nyang papel. hehe! kung paano tayo makipaghatian sa mga kaklase natin kapag 1/4 lang ang kailangan. kung paano tayo natrain na maging keen observer sa oras ng kagipitan at malapit nang banggitin ng titser ang number 1.kanina nakakatuwa, kasi naman nagbigayan na, una nga yan sa kasaysayan ng pilipinas. minsan na rin lang kaya sinulit na ng iilan. huli na rin naman kaya ipamigay na, bakit sa college ba may mga ganyan pa? hehe. ewan?
ayokong magthank you at magsorry. sos! gasgas na yan! alam nyo na rin namang iyan ang ibigsabihin nitong kadramahang ito. pero hindi nyo alam na gusto kong sabihing mahal na mahal ko kaya rizal at crush ko si kent.na mamimiss ko kayo at sana walang magbabago kahit pa tumangkad na ako. pero hindi ko parin sasabihin yan sa inyo. mataas ang pride ko.
marami pa tayong oras. dalawang linggo. galingan nating magmemorize ng grad song at sana ay wag kayong magmake up ng makapal sa grad para hindi kayo magmukhang zombie(sa girls--parang hindi ako girl no?)
mahirap tanggapin ang katotohanan lalo pa na papalapit na talaga yung GRADUATION. mas masarap yung maging harsh kesa madamay sa kalupitan ng iba.. kanya-kanyang hatak ng toga at tapon ng diploma, kanya-kanyang patak ng luha at awit ng saya.. pero may isang bagay tayong patuloy nagagawin ng sabay-sabay..
ang mangarap!!
PNS ANIMO RIZAL!! o yeah!
here and then,
1-11-15-16-15-19-9-25-19
habaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. wait. d ko pa nababasa! hahaha. XP
ReplyDelete